Isa sa mga nagpadagdag ng kasiyahan ngayong Pasko kina Bossing Vic Sotto at asawa niyang si Pauleen Luna ang pagdating ng kanilang anak na si Baby Talitha. 

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News "Balitanghali" nitong Biyernes, ikinuwento ni Bossing Vic Sotto na kahit baby pa lang, tila mahilig na raw sa chika si Baby Talitha dahil sa pagiging maingay nito.

"Baby namin, mahilig sa chika eh. Hindi siya iyakin pero maingay, marami siyang chika, chikadora yata ito eh," natatawang kuwento ni Vic.

Ayon pa sa aktor, nakatutok si Pauleen sa pag-aalaga kay Talitha dahil sadya raw mahilig at malapit sa mga bata ang kanilang asawa tulad ng pagiging magiliw nito kina Ryzza Mae at Baeby Baste.

Nasanay na rin daw si Pauleen na pagdaanan sa tinatawag na baby blues o post partum depression.

"She is aware of it but there are times lang na gusto niyang magpa-hug, ganoon lang, very very minor," sabi ni Bossing Vic.

Enjoy naman daw si Pauleen sa pagiging mommy, kaya sulit ang bawat pagpupuyat niya para kay Talitha.

Full support din si Pauleen sa premier night ng Metro Manila Film Festival entry na "Meant to Beh," na pinagbibidahan ni Vic at Dawn Zulueta.

Todo hiyawan ang mga fans dahil sa dumalong full force cast nitong nakaraang Miyerkoles.

Rumampa sina Bossing Vic kasama si Pauleen, Dawn, Gabbi Garcia, Andrea Torres, Daniel Matsunaga, JC Santos, Baeby Baste.

Hindi lang comedy at drama ang hatid ng pelikula.

"You have to watch the film, it deals with family matters, magasawa matters, matters ng mga bata na matakaw. Alam niyo na kung sino 'yon," sabi ni Bossing.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News