Tulad ni AiAi Delas Alas, napahanga rin si Kuya Willie Revillame nang marinig ang tugtugin ng rap group na "Ex Battalion" kaya inimbitahan niya ang grupo na mag-guest sa "Wowowin" bilang pagsuporta na rin ng host sa OPM.


Noong nakaraang Nobyembre, inihayag ni AiAi ang pagnanais niyang magkaroon ng collaboration sa Ex Battalion nang pumirma ng kontrata ang komedyante sa GMA Records.

At bago matapos ang 2017, natupad ang naturang hangarin ni AiAi sa kaniyang awiting "Walang Pinipili," kasama ang Ex Batallion.

--FRJ, GMA News