Nananatiling Kapuso ang batikang broadcaster at "24 Oras" news anchor na si Mel Tiangco matapos siyang pumirma muli ng kontrata sa GMA Network nitong Miyerkoles, Enero 31, 2018.
"24 Oras" news anchor Mel Tiangco remains a Kapuso as she renews contract with GMA Network today, January 31. @gmanews pic.twitter.com/FrVH0KhvuY
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) January 31, 2018
Present sa contract signing sina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Executive Vice President and CFO Felipe Yalong at GMA News and Public Affairs SVP Marissa Flores.
Nagpasalamat si Tita Mel sa network, na naging tahanan niya na raw sa loob ng mahigit dalawang dekada.
"Going on 21 years with GMA. At kung gaano ako kasaya nu'ng unang pumasok sa premises ng GMA, ganu'n pa rin ang kaligayahan ko hanggang ngayon," sabi ni Tita Mel.
Bukod pa rito, pinasalamatan din ni Tita Mel ang mga patuloy na sumusubaybay sa mga news program ng GMA Network, tulad ng "24 Oras."
"Pero siyempre ang pasasalamat ay hindi lamang sa kanila, lalo't higit, aside from the Lord, sa ating mga televiewers, sa ating mga tagasuporta sa mga sumusubaybay sa atin. Sa mga nagtitiwala sa atin. Sa mga nagmamahal sa atin, sa mga nanonood sa atin, maraming maraming salamat po,"saad niya.
Naging Kapuso si Tita Mel noong 90's at naging host ng programang "Partners Mel and Jay." Bukod dito, napanood din siya sa "Frontpage," "Mel and Joey," "Powerhouse," "Partners with Mel Tiangco," "24 Oras at GMA drama anthology series na "Magpakailanman."
Si Tita Mel din ang Founder and Ambassador ng GMA Kapuso Foundation.
"Kami ay nagpapasalamat din sapagkat si Mel Tiangco ay isa sa pinakamagaling, kung hindi pinakamagaling na female newscaster dito sa Pilipinas. At hindi lamang 'yon, ang kaniyang integridad is unquestionable. At ang puso ni Mel na makatulong sa mga nangangailangan ay makikita sa kaniyang involvement sa Kapuso Foundation ng GMA. Sapagkat even after she retires, ang involvement niya sa GMA Kapuso Foundation ay hindi nababawasan. Dahil sa lahat ng 'yan, nagpapasalamat din ang GMA sa kaniya," sabi ni Atty. Gozon.
Marami pa raw dream projects si Tita Mel.
"Here at GMA, naku, madami akong gustong gawin, ang dami-dami pa, lalo na I'm with the foundation 'di ba? So there are so many projects, there's so much to do as far as helping our people," aniya.
Inihayag ng "24 Oras" anchor na "top of the mind" niya ang usapin ng depression sa kabataan.
"Ngayon, masyadong [usapan] ang depression among children. I want a project mostly for children, dealing with their help. Marami na kami sa foundation but kasi nga sa laki ng problema natin, napakarami pang kailangang gawin to be able to make an impact," paliwanag niya.
Sa usapin naman ng fake news, nakikita ni Tita Mel na magpapatuloy ito sa pagdating pa ng mga taon.
"Alam mo, it's not new 'yung sinasabi nilang 'fake' news. It's really not new. This has been going on for ages and ages 'di ba? Kaya lang ngayon, kumbaga, nilagyan nila ng 'fake news' so it has gotten the attention of so many people," aniya.
"But you see, it will continue, hindi mo mapipigilan 'yon. It will continue to exist and people will continue to spread lies, inaccuracies, will spread stories out of context. Magpapatuloy 'yon. No amount of laws that you put there will stop that," patuloy ni Tita Mel.
May payo naman si Tita Mel para kontrahin ito.
"You fight it with everything that is true. How do you fight that? By being truthful in your work, by being efficient, by being accurate, by being strict with your values, by being strict with your morals, that is how you fight the other kind of, the so called 'fake news,'" ayon kay Tita Mel.-- FRJ, GMA News
