
Binigyang-linaw muli ni Pauleen Luna ang mga espekulasyong hindi niya gusto ang kasamahan sa "Eat Bulaga" na si Maine Mendoza.
Sa magkakasunod na tweets kagabi, February 13, inilabas ni Pauleen ang nararamdaman niya sa mga isyung patuloy pa ring ibinabato sa kaniya.
Ayon sa misis ni Vic Sotto, pamilya ang turingan nilang lahat sa noontime show kaya sana ay huwag nang gawan ng isyu ang sa kanilang dalawa ni Maine.
Mensahe ni Pauleen, “Once and for all let me put this out in the open - I DO NOT DISLIKE MAINE!
“I don’t know where some people got that idea. How I wish she would stay in the studio so we could all be close!
“But since she’s in the barangay, we don’t get the chance to bond katulad ng mga nasa Broadway.”
Binigyang-linaw rin ni Pauleen na hindi porke’t may sinagot siyang mga fans ng AlDub—ang tawag sa mga tagahanga nina Maine at Alden Richards—ay galit na siya sa mga ito.
Aniya, “Please stop putting words into my mouth. Not because sinagot ko yung fans noon, galit ako sa Aldub Nation.
“Naiinis ako pag may inaaway, yes. Kasi hindi naman kailangan mang-away! Maine said that herself!
“What I seriously do not understand is the fact that some of you 'think' that…
“Some of you think that I hate her, why??? Bakit kailangan niyo mag-imbento?
“Again, we are a family in Eat Bulaga! Every one of us!
"Wag niyong pilitin na 'pag-awayin' kami cos it will NEVER happen!
“I’ve been on the show for 13 years so please, take it from me, na pamilya kami doon.”
Kasunod nito ay nakiusap din si Pauleen na huwag nang kaladkarin pa ang anak nila ni Vic na si Talitha sa mga isyung showbiz.
Kamakailan ay may isang basher na nagsasabing ang mas kamukha raw ni Talitha ay si Ryzza Mae Dizon, na kasamahan ni Pauleen sa Eat Bulaga! -- For the full story, visit PEP.ph
