Aminado si Jackie Rice na mas masaya ang buhay niya ngayong wala siyang boyfriend.

May mga nagtangka naman daw manligaw sa kaniya, pero wala siyang sinagot sa isa man sa mga ito.

Kuwento ni Jackie, "May dinate ako nung last, pero hindi kami nagkakaintindihan.

"Non-showbiz siya. Hindi kami magkaintindihan.

"Ano na lang ang ibigay sa akin ng sa Itaas, hindi na ako mamimili.

"Hindi na rin ako bata."

Dugtong pa niya, "Aanhin ko naman ang love life kung lagi naman akong umiiyak?

"Or, may love life nga ako, hindi naman ako masaya.

"So, I think, hindi ko siya deserved."

Ayon kay Jackie, tumagal ng walong taon ang relasyon nila ng kaniyang ex-boyfriend.

"Tumagal nga din yun. Pero pareho namang kaming mag-decide to let go.

"Eight years din, then naging single ako for one year.

"May sumunod na. May dinate na ako kailan lang, hindi rin nag-work.

"Naka-move na rin ako sa dati. Naggi-girlfriend na rin siya.

"Ako naman, nagdi-date din naman.

"Pero ngayon, wala. Ayoko muna.

"Okey naman na walang Valentine's [date], kasi, di ba? Mas maraming gifts," biro niya.

Nakapanayam ng PEP.ph ang Kapuso actress sa grand presscon ng GMA's first advoca-serye, Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network noong Lunes, February 12. -- For the full story, visit PEP.ph