Kasunod ng pagpanaw ng karakter ni Gabbi Garcia na si Lily sa Kapuso primetime series na "Sherlock Jr.," nagbigay ng mensahe ang leading man ng serye na si Ruru Madrid sa fans ng kanilang tambalan na "GabRu."
Sa kaniyang Instragram post, sinabi ni Ruru na, "Sa lahat po ng GabRu fans wag po kayo magalala for sure magkakatrabaho pa din kami ni Gab at di kami magbabago ptuloy pa rin naming susuportahan ang isa’t isa, Mahal na mahal namin kayo :) #SherlockJrHinagpis."
May mensahe rin si Ruru, bilang si Sherlock, para kay Lily; "Paalam Lily, kahit sa maikling panahon na pagsasama niyo ni Jack minahal ka nya at nagpapasalamat sya sa lahat ng ginawa mo para sa kanya. Kung wala ka marahil ay hindi nya rin nalutas ang ilang mga kaso na kasama ka nyang ma solve ito. Salamat ng marami Lily Mahal ka naming lahat."
Lalo pang subaybayan ang umiinit na mga tagpo at lumalalim na istorya ng "Sherlock Jr." -- FRJ, GMA News
