Sa pamamagitan ng Instagram post, nagpasalamat si Gabbi Garcia sa mga nakatrabaho niya sa Kapuso primetime series na "Sherlock Jr." at maging sa kaniyang karakter na si "Lily Pelaez."
Saad ng aktres sa caption ng larawan na kaniyang ipinost para sa "Sherlock" team, "Thank you for treating me like family one of the best cast & productions I’ve ever worked with! Thanks for keeping things light and full of love! I’ll definitely miss taping."
Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang fans na sumuporta sa kaniya sa serye.
"Thank you also to everyone who supports the show! To my gabbifieds and gabru’s, love you guys!! quite unexpected, but I felt all the love from each and everyone of you," sabi ni Gabbi.
At para sa kanilang karakter, sabi ni Gabbi, "Time to take a bow. Thank you, Lily Pelaez."
Sa naturang episode, namatay si Lily matapos siyang i-hostage ni Dindo Carazo (Matt Evans). Dito na hahanapin nina Jack (Ruru Madrid) at Siri [The wonder dog] ang hustisya para sa dalaga.
Sa pamamagitan din ng IG post, nagbigay ng mensahe si Ruru para sa karakter ni Gabbi na si Lily, at pati na rin sa "GabRu" fans. (READ: Ruru, may mensahe sa fans nila ni Gabbi matapos masawi ang karakter ng aktres sa 'Sherlock Jr.')
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
