Sa online exclusive na "ArtisTambayan," inihayag ng "Lumen Twins" na sina Charlotte at Charice Hermoso kung ano ang pagkakaiba nila sa isa't isa. Panoorin.

Samantala, itinuturing challenge ng dalawa ang kanilang role sa "Inday Will Always Love You," kung saan gumaganap silang mga kikay na kontrabida. Ngunit kung bibigyan daw ng pagkakataon, gusto raw gampanan ng kambal ang role ng mabait at inaaping karakter, at may pagka-boyish.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News