Nakapagbenta agad ng 3.98 milyong mga kopya ang bagong album ng BTS na "Arirang" sa unang araw pa lang ng release nito, ayon sa label ng K-pop group na Big Hit Music nitong Sabado.

Binanggit ng Big Hit Music ang lokal na album sales tracker na Hanteo Chart para sa datos.

Ini-release ang “Arirang” nitong Biyernes matapos ang apat na taong hiatus ng BTS, isang araw bago ang BTS' comeback concert nito na inaasahang dadaluhan ng 260,000 katao sa central Seoul.

Ang "Arirang" ay hango sa mga traditional Korean folk song, na naglalaman ng 14 kanta kasama ang lead single na "Swim."

Naglabas din ang BTS ng music video para sa "Swim" na pinagbibidahan ng "Riverdale" actress na si Lili Reinhart. —Jamil Santos/Jessica Bartolome/VBL GMA Integrated News