Ibinalita ni Kapuso star Aicelle Santos na isang linggo siyang magpapahinga sa pagganap sa Miss Saigon para pagalingin ang tendonitis sa kaniyang tuhod.

"Mood for the week that was... I've been off from 'Miss Saigon' for a week now to recover from bad knees (tendonitis)," saad ni Aicelle sa kaniyang Instagram.

 

Hiling ni Aicelle na gumaling siya agad para muling maakapag-perform. "Praying to be back soon, better and stronger!  For now, I will remain patient and positive! I receive Your healing Jesus. "

Matatandaang napili si Aicelle para gampanan ang role ni "Gigi Van Tranh" sa UK Tour Production ng Miss Saigon.

Ito rin ang role na ginampanan ng kapwa niya Kapuso na si Rachelle Ann Go noong 2014.

Masaya si Aicelle na nakasama rin sa cast si Gerald Santos, na dati niyang nakatunggali sa  Pinoy Pop Superstar noong 2006.--Jamil Santos/FRJ, GMA News