Mahigit isang taon na ang relasyon ngayon nina Sunshine Cruz at negosyanteng si Macky Mathay. Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," ibinahagi ng Kapuso actress kung papaano niya sorpresang ipinakilala sa kaniyang mga anak ang nobyo.

Sa segment na “Insta-Truth” ng programa, ipinakita ni Igan Arnold ang larawan ni Sunshine habang nasa restaurant kasama ang tatlo niyang anak at si Macky.

READ: Sunshine Cruz masaya ngayon sa kaniyang love life

Ayon kay Sunshine na bibida sa bagong seryeng "Karibal Ko Ang Aking Ina,"  ang naturang larawan ay kuha nang unang makaharap nang personal ng kaniyang mga anak si Macky.

Matagal na rin umano siyang tinatanong ng kaniyang mga anak kung kailan nila makikilala nang personal si Macky at ginawa niya ito nang bumalik siya sa Maynila mula sa isang out of town show.

"Hindi alam ng kids I came from an out of town show, sinundo ako ni Macky sa airport. And I just told the yayas na i-prepare yung mga bata at dalin dun sa mall. So akala nila kakain lang kami, hindi nila alam na makikita at makikilala nila si Macky," kuwento ng aktres.

Pero bago pa raw nang araw na iyon, sinabi ni Sunshine nakaka-message na ng mga bata ang kaniyang nobyo.

Ayon pa sa aktres, natuwa ang mga bata nang makaharap na nila si Macky.

Kaugnay nito, ikinuwento rin ni Sunshine ang dahilan kung bakit siya bumalik sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya ng kursong Psychology sa Arellano University. Panoorin ang naturang panayam.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News