Hindi lang umano pampasuwerte ang maidudulot ng Feng Shui, bagkos, magagamit din ito sa pangangalaga sa kalusugan. Alamin sa Feng Shui expert kung papaano ito magagawa na magsisimula sa pagtukoy sa araw ng kapanganakan ng isang tao.
Ayon kay "Mars" host Suzi Abrera, napapansin na hirap ang kaniyang katawan, nahihilo at nanghihina tuwing summer kahit lagi naman siyang umiinom ng tubig, vitamins at nag-e-exercise.
Paliwanag ng Feng Shui expert na si Johnson Chua, kabilang si Suzi sa mga tinatawag na "summer child" dahil isinilang siya sa buwan ng June. Ang mga "summer child" ay mga isinilang sa buwan na May, June at July," na maraming "fire elements" kaya karaniwang mainit ang katawan.
Panoorin kung ano ang payo ni Chua kay Suzi at papaano makatutulong ang Feng Shui upang makaiwan sa karamdaman:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News
