Tuwang-tuwa ang contestant na si Joseph nang makasali siya sa "Wowowin" nitong Martes at makapaglaro sa "Patalbugan" para sa kaniyang barangay.

Emosyonal niyang ikinuwento, nanggaling siya noon sa bilangguan at pati si kuya Will ay pinapanood ng kaniyang mga ka-kosa.

Hindi man pinalad makuha ang P1 milyon, natupad naman ang hiling ng anak ni Joseph na manalo ng cellphone.

Panoorin ang video.

— Jamil Santos/MDM, GMA News