Isa nang ganap na Kapuso ang aktor na si Manolo Pedrosa matapos siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network nitong Biyernes, Hulyo 27.

Kasama sa contract signing ni Manolo sina Senior Vice President for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable, GMA Artist Center AVP for Talent Imaging and Marketing Simoun Ferrer at manager na si Jun Reyes.

"I'm very excited to work again and act as 'yon po ang passion ko, very proud to be a Kapuso!" sabi ni Manolo nang makapanayam ng GMA reporters.

Kuwento ng aktor, tumigil siyang panandalian sa showbiz para pagtuunan ng pansin ang pag-aaral, pero ngayo'y handa siyang pagsabayin ang mga ito.

"At those times po when I was in school, I realized how much I really wanted to act and entertain people. I wanted to try something new so I went to become a Kapuso."

Passion talaga ni Manolo ang acting, lalo na ang drama at rom-com. "I'm good po as long as I'll be able to do my passion, which is acting."

Inilahad naman ni Manolo ang mga Kapuso stars na gusto niyang makatrabaho.

"Siyempre po sila Dingdong Dantes, Marian po. And I also would like to work with sila Gabbi Garcia and Sanya Lopez," ani Manolo.

Bago nito, sumali si Manolo sa isang reality TV show sa kabilang network, at nagkaroon pa ng show.

Mainit din ang pagsalubong sa kaniya ng mga GMA executives, lalo na si GMA SVP for Entertainment Group na si Rasonable.

"Pupuwede siyang pang-leading man, kasi he has the height, definitely has the looks and I believe may experience na talaga siya sa acting, which can be further honed. Ang cute ng eyes niya! That's his asset, and he speaks very well. So puwede 'yang pang-leading man si Manolo," aniya. — AT, GMA News