Bibida sa isang sexy movie ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio. Samantala, nagbakasyon naman sa Cambodia ang Kapuso couple na sina sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Sa Star Bites report ng "Balitanghali" nitong Martes, sinabing sumasailalim sa acting workshop ngayon si Sanya bilang paghahanda sa kaniyang bagong project.
Dahil no boyfriend since birth daw si Sanya, malaking tulong umano sa kaniya ang acting workshop para kaniyang gagawing role sa pelikula.
Samantala, sweet na sweet naman sina Dennis at Jennylyn sa kanilang bakasyon sa Camboadia. Kabilang sa mga pinuntahan ng dalawa ang Angkor Wat.
Holding hands pa ang dalawa habang namamasyal, at napakanta pa si Jennylyn sa kaniyang caption sa isang photo kasama si Dennis. --FRJ, GMA News
