Nahuli-cam ang isang motorcycle rider na nakasuot ng t-shirt at may tatak na “Special Force” na tila nag-e-exhibition sa kahabaan ng South Coastal Road sa Talisay, Cebu.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa video na tumayo, niyugyog ang motorsiklo at nag-no-hands pa ang rider.

Sinabi ng netizen na may-ari na video, sinundan niya ang rider matapos makitang nagpapagewang-gewang ito habang binabaybay ang highway at sumisingit sa ibang sasakyan.

Patuloy na hinihingian ng pahayag ang Land Transportation Office tungkol sa insidente.—Jamil Santos/FRJ GMA News