Dumating na sa bansa ang K-Pop girl group na Momoland, na nagpasikat ng kantang BBoom BBoom at nagkaroon pa ng viral dance craze.

Sa exclusive Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nakatakdang mag-private concert ang grupo sa weekend.

Inantabayanan ng fans ng Momoland ang kanilang mga idol, na hindi magkamayaw sa airport.

First time ng Momoland sa bansa, na excited mag-perform para sa kanilang Pinoy fans.

Exclusive na naka-bonding ng GMA News ang viral Korean girl group bago sila mag-courtesy call sa Korean Embassy sa Maynila.

"Hey guys, awww, we're finally here in the Philippines. We wanted to be with you guys so much and we're finally here. We can't wait to see all of you," sabi ni Daisy.

Nakatanggap pa ang Momoland ng ilang souvenir items at sweets na iniabot sa kanila ng Pinoy fans sa lobby ng hotel.

"I got a Little Mermaid? From a fan? Yeah thank you. I love the Little Mermaid," ayon kay Nancy.

Maraming Pinoy ang napapaindak sa viral na Bboom Bboom dance craze, mapa-bata, may edad na, guro, mga matipuno, at pati mga alagang hayop tulad ng aso. —Jamil Santos/JST, GMA News