Sa pagbisita ni Andre Paras sa programang "Mars," natanong ang binata tungkol sa napapabalitang romantikong ugnayan nila ni Rhian Ramos.

Pero ayon kay Andre, mabuting magkaibigan lang sila ng Kapuso actress. Posibleng nabigyan lang daw ng isyu dahil sila ang nagkasama sa "Hep Hep Hooray!" contest at sa photo booth sa nakaraang GMA anniversary party.

 

 

• p r o m k i n g & q u e e n • #GMAAnniversaryParty #AP95

Isang post na ibinahagi ni centavo (@andreparas) noong

 

Paliwanag ni Andre, may iba pa silang Kapuso talent na inayang magpakuha sa photo booth pero busy pa ang mga ito kaya nagpasya sila ni Rhian na silang dalawa na lang ang magkasamang magpa-picture.

Dagdag pa ng aktor, kailangan kasi ni Rhian na umalis nang maaga dahil may taping pa ito.

"I said tayong dalawa na lang at least we got to experience yung photo booth," saad ni Andre.

Nang tanungin siya kung nagkaka-text sila ni Rhian, sinabi ni Andre na hindi pero IG [Instagram] friends sila ng aktres at walang ilangan kapag magkatrabaho sila.

Panoorin ang buong panayam sa video na ito:


 

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment


-- FRJ, GMA News