Sa programang "Mars," ibinahagi ng Kapuso young actress na si Kyline Alcantara na ginawa nilang makatotohanan ni Bianca Umali sa mga matitinding eksena tulad ng sampalan sa kanilang teleserye na "Kambal, Karibal."
Paliwanag ni Kyline sa segment na "Lightning Laglagan," may usapan sila ni Bianca, kasama ang direktor at creative team, na gusto sa kanila ng mga tao na mukhang totohanan ang kanilang mga eksena.
"So everytime na may ganung scene controlled but totoo," sabi niya.
"Ang yung pasa po galing po yung sa mga parang nahi-hit namin na like things, hindi from each other," paliwanag pa niya.
Kasabay nito, inamin din ni Kyline na laging niyang inaalam kung nasaan ang "CR" kapag nasa location shoot sila, at pangarap niyang masampal siya ng batikang aktres na si Cherie Gil.
Panoorin ang buong panayam sa video na ito:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
