Ngayong nagdadalang-tao na ang kaniyang partner na si LJ Reyes, hindi maiwasan na maitanong kay Paolo Contis kung ano na ang kalagayan ng annulment case nila ng dating asawa na si Lian Paz.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa "24 Oras" nitong Martes, sinabi ni Paolo na wala pa ring pinal na desisyon sa kaniyang petisyon na mapawalang-bisa na ang kasal nila ng dating EB Babe dancer na si Lian.

"My case is still ongoing. Sa atin we have to respect our law and yung way ng court natin. Sometimes we have to wait longer," saad ng aktor.

Mayroong dalawang anak si Paolo kay Lian, na nakabase na sa Cebu at mayroon na rin sariling pamilya.

Sabi ni Paolo, nais niya na siya ang personal na magbalita sa kaniyang mga anak tungkol sa paparating nilang bagong kapatid kay LJ.

"Ako I would like to tell my kids personally if ever. I hope I would be able to visit them in Cebu soon and talk to them about it," sabi pa ng aktor.

Taong 2012 nang umugong ang hiwalayan nina Paolo at Lian, mula sa pag-iibigan na tila hinamak ang lahat. 

READ: Paolo Contis breaks silence about separation from Lian Paz

READ: Paolo Contis, Lian Paz affair: Against all odds?

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, sinikap nina Lian at Paolo na muling buksan ang kanilang komunikasyon para sa kapakanan ng kanilang mga anak. (Basahin: Lian Paz, bakit bumilib sa kanyang estranged husband na si Paolo Contis?--FRJ, GMA News