Halos lahat na ng aktres sa GMA-7 ay “naapi” o “natarayan” na ni Katrina Halili bilang kontrabida. Kaya kagulat-gulat ang sagot niya nang tanungin kung sino pa ang gusto niyang pagkontrabidahan sa mga Kapuso star.

“Si Jennylyn [Mercado].

“Hindi pa kami nagsasama… ang unang sama namin kakatapos lang ng StarStruck, Forever in My Heart.

“Magkalaban kami dun pero batang-bata pa kami nun.”

Si Jennylyn ang Ultimate Female Survivor sa unang season ng StarStruck at ka-batch niya si Katrina na isa naman sa mga “avengers” or runners-up sa naturang artista search ng GMA.

Kaya bongga kapag magsasama silang dalawa sa isang teleserye bilang mortal na magkalaban.

“Try natin ngayon.”

“Ang dami ko nang nakasama, Marian [Rivera], Angel [Locsin], Heart [Evangelista], Yasmien [Kurdi], Carla [Abellana]. Halos lahat na…

“Si Jennylyn na StarStruck pa, ha? Si Jennylyn pa talaga yung hindi ko pa nakakasama.”

Gusto ba niyang ingudngod si Jennylyn sa isang intense na eksenang awayan kung sakali?

“Hindi naman, pero naiisip ko kasi, parang ang dami ko nang naka...may rivalry ako na kung sino-sinong mga star...mga big star ng GMA, di ba? Pero si Jen na kasama ko pa talaga sa StarStruck, kami yung hindi pa nagsasama.”

Kaya wish ni Katrina na mangyari iyon.

Bida si Katrina sa "Mga Anak Ng Kamote" kung saan kasama niya sina Alex Medina, Carl Guevara, Lui Manansala, at Kiko Matos. -- For the full story, visit PEP.ph