Nagbigay na ng pahayag si Jake Zyrus tungkol sa panawagan ng kaniyang inang si Raquel Pempengco na makita sana niya ang lolang si Tess Relucio na nakaratay ngayon sa ospital.

Sa ulat ni Arniel Serato sa PEP.ph nitong Biyernes, inihayag ni Jake na hanggat maaari ay ayaw na sana niyang magkomento na may kaugnayan sa kaniyang pamilya.

"For example, like yung magkasakit ako or maospital ako or maospital ang mother ko or maospital ang lola ko, I think, ito na yung time na I just don't want to comment because, yes, sa amin na lang yun, sa amin na lang yun," saad ni Jake nang eksklusibong nakausap ng PEP.ph at News5 sa launching ng kaniyang librong I Am Jake nitong Biyernes, September 21.

Sa mga nakakaalam ng kalagayan ni Lola Tess, sinasabing kailangan nito ng pinansiyal na tulong.

Ayon kay Jake, kung tutulong man siya sa kaniyang lola ay hindi niya ito ipapaalam sa publiko o sa media.

"Tutulong ako, tutulong ako, at hindi ko ipapaalam sa iba.

"I'm not going to post anything on social media that I helped, hindi nila malalaman na makakatulong ako kasi, either I help or not, ako yung masama.

"So, kung tutulong man ako, which talaga namang tumutulong ako, hindi nila malalaman, hindi ninyo malalaman [media], nothing.

"It’s just to myself."

Tumanggi naman si Jake na magkomento sa panawagan ng ina na madalaw sana niya ang kaniyang Lola Tess.

Samantala, sinabi ni Jake na sinimulan niyang isulat kaniyang libro noong October 2017.

Nakasulat umano sa libro ang lahat ng katotohanan tungkol sa kaniya, ang pagsubok na kaniyang pinagdaanan at tungkol sa kaniyang pamilya.

Umaasa siya na makatutulong ang kaniyang libro sa mga tao na humaharap sa malaking problema at nawawalan ng pag-asa.

"To let them know na hindi man tayo pareho ng lahat na pinagdaanan, pero there’s always that part ng buhay natin na pareho tayo.

"Ito yung book na gusto kong basahin nila na meron pa ring hope," saad niya.-- For the full story, visit PEP.ph