Sa programang "Tunay Na Buhay," nagbalik-tanaw si Teresa Loyzaga sa kaniyang pagiging singer noon sa isang music lounge bago siya nakapasok sa showbiz.
Sa panayam ng host na si Rhea Santos, napag-alaman na dating naging mang-aawit si Teresa sa Bert Nievera's Music Lounge kung saan mga lumang awitin ang madalas niyang kantahin.
"I'm an old soul," sabi ni Teresa dahil paborito daw niyang kantahin ang mga lumang awitin kahit noong teenager pa lang siya.
Kabilang umano sa mga inaawit niya noon ang "As Time Goes By," "Nearest Of You" at "Embraceable You."
Ang kaniyang tita na isa ring mang-aawit na si Pilita Corrales daw ang tumulong sa kaniya para makapasok sa showbiz.
Nagsimula siyang mapanood sa mga variety TV show tulad ng "Penthouse Live, at sa GMA show ni German "Kuya Germs" Moreno, hanggang sa napasabak na siya sa pag-arte.
Panoorin ang naturang panayam kay Teresa at alamin ang limang artista na naging malaking bahagi umano ng kaniyang buhay-showbiz na kinabibilangan nina Maricel Soriano at Sharon Cuneta.
Inihayag din niya na extra special sa kaniya ang kinabibilangan niya ngayong Kapuso series na "My Special Tatay" na pinagbibidahan ni Ken Chan.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
