Kahit na nagsisimula pa lamang sila sa showbiz, aminado na ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi na mayroon na silang mga bashers. Ngunit sa tulong ng kanilang mga magulang, natutunan na nila kung paano ito iha-handle.

"There are some pero you know, with the amount of... it's up to you if you want to mind it kasi," saad ni Mavy sa press conference ng upcoming musical variety show na "Studio 7" nitong Miyerkoles.

Si Cassy naman, ikinuwentong naranasan niyang makatanggap ng hate comments noong siyam na taong gulang pa lamang siya.

"Actually 'yong first encounter ko I think I was nine. Of course, as a nine-year-old, I don't know how to handle stuff like that. So I went to my parents. 'Halaaa there's a hate comment. Wahh!' And then they explained to me how you're supposed to handle stuff like that. And how do you do it? Ignore. Ha! Ha! Gano'n lang. Ignore! That's it, just ignore."

 

Ngayong nasa showbiz na sila, hindi maitatangging todo-suporta ang kanilang mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel, na nagbigay pa ng payo sa kanila.

 

Inihayag nina Mavy at Cassy na sa kanila nanggaling ang desisyon na pumasok sa showbiz at piliin ang GMA.

"Right now I have no regrets. Signing with GMA is really a blessing talaga," saad ni Mavy.

"We're really twins noh? Same din e," ayon naman kay Cassy.

 

 

— Jamil Santos / AT, GMA News