Nasawi ang isang rider ng matorsiklo matapos na mabundol ang isang tumatawid na tao sa Narvacan, Ilocos Sur. Ang biktima, pumanaw din.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente nitong Huwebes ng gabi sa national highway sa Barangay Sulvec.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bumibiyahe ang 30-anyos na rider ang national highway nang masalpok niya ang tumatawid na 65-anyos na biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang rider at ang biktima.

Hindi na sila umabot nang buhay nang isugod sa ospital.

Wala pang pahayag ang mga kaanak ng rider at ang biktima. – FRJ GMA Integrated News