Nag-umpisa na ang pamamahagi ng Bureau of Customs (BoC) sa mahigit 100,000 balikbayan boxes na natengga sa Port Area sa Maynila.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, nakuha na ng ilang OFW at kanilang mga pamilya ang mga abandonadong balikbayan boxes, batay sa inspection and delivery rollout ng BOC.
Bago nito, ilang taon nang nakaimbak lamang ang mga balikbayan box matapos pabayaan umano ng mga pribadong kumpanya na dapat namamahala sa mga ito.
Nadismaya ang mga OFW matapos hindi dumating sa takdang oras ang mga ipinadala nilang balikbayan boxes.
Sinabi ng BOC na pananagutin nila ang mga deconsolidator na nagpabaya umano sa mga package. — Jamil Santos/ VDV GMA Integrated News
