Pagkatapos ng Miss World-Philippines, isa pang international pageant ang mapapanood sa GMA Network—ang Miss Earth Pageant.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing ginanap na ang pirmahan ng kontrata ng GMA at Carousel Productions para mapanood sa Kapuso station ang nasabing beauty pageant.
Ang pirmahan ay pinangunahan ng organizer ng Miss Earth na si Carousel President Lorraine Schuck, kasama si Peachy Veneracion. At sa panig naman ng GMA si GMA
Sumaksi naman sa contract signing ang anim sa mga kandidata ng pageant mula sa iba't ibang kontinente.
"Welcome to GMA and hopefully, this is going to be a very big and very, very good partnership," sabi ni Abacan
"We're having ninety candidates. Our stage will be halos 80 percent environmental. We have, of course, Brian Mcknight to be our guest entertainer and judge," ayon kay Schuck
Sinabi naman ni Veneracion na bibisitahin nila ang iba't ibang lugar sa Pilipinas para i-promote our eco-tourism.
Masayang-masaya naman ang Miss Earth candidates sa kanilang nararanasan sa Pilipinas.
Kasabay ng welcome party para sa mga kandidata ang isinagawang charity dinner kung saan may kaniya-kaniyang regalo for auction mula sa kani-kanilang mga bansa ang mga kandidata.
Bumisita rin ang mga kandidata ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City.-- FRJ, GMA News
