Kilala sa kanyang pagiging mestiza, ngunit may panahon din na naging maitim si Kapuso actress Kelley Day, kaya naman hindi nagbalanse ang kulay ng kanyang mukha at katawan sa isang shoot noon.

Sa programang Mars nitong Biyernes, ikinuwento ni Kelley ang kanyang karanasan na nasobrahan siya sa powder sa kanyang mukha sa isang shoot.

"Ito ay nu'ng, siguro mga first photo shoots or on-screen ako. Sa light it looked good. In the mirror it's fine. But when you see it on the photos, kasi may flash, I looked super white tapos my body is dark."

Dito inihayag ni Kelley kung bakit may "super dark skin" siya noon.

"Actually, dark ako noon. I got light because I never go out. Pero before, I'm super dark, kasi super sporty ako, so my face would be super white sa mga photos."

Samantala, ikinuwento naman ni Camille ang kaniyang karanasan nang 'ma-zero balance' ang kaniyang account. Panoorin ang kanilang talakayan.

—Jamil Santos/KG, GMA News