Excited na si Marian Rivera na malaman ang kasarian ng bago nilang baby ni Dingdong Dantes.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabi ng Kapuso Primetime Queen na hindi naman siya masyadong nahihirapan sa kaniyang pagbubuntis na nasa second trimester na ngayon.

"Next month malalaman na namin," sabi ni Marian tungkol sa gender ng baby sa kaniyang sinapupunan.

"Sabi ko nga, ke babae, ke lalaki, ok lang 'yan. Importante, biniyayaan uli ako," saad niya.

Sabi ni Marian, na-touch siya nang isinantabi muna ni Dingdong ang mga personal nitong plano tulad ng pagpasok sa pulitika nang malaman ang kaniyang kalagayan.

"Na-touch nga ako sa asawa ko kasi sabi niya, mahal, ang priority ko, ikaw, 'yung pamilya natin. Ayun, crayola ako," ayon sa aktres.

Tiniyak naman ni Marian na patuloy pa rin siyang mapapanood sa "Sunday Pinasaya" kahit buntis siya. Sa Linggo, may gaganaping bazaar sa harap ng GMA Network Drive kung saan may booth ang bawat artista ng programa para ibenta ang ilan sa kanilang pre-loved items.

"Puro mga dress kasi nakikita ko sa mga... sa Instagram ko, palaging gusto nila dress ko," ayon kay Marian.

Ang malilikom nilang halaga sa bazzar ay ibibigay sa GMA Kapuso Foundation. -- FRJ, GMA News