Maging ang mga artista, hindi rin naiiwasan na makaranas ng diskriminasyon. Katulad na lamang ni FIl-Am Kapuso actor Matthias Rhoads na napupuna raw dahil sa kaniyang pag-i-Ingles.

"The nosebleed jokes. I hate the nosebleed jokes. Araw-araw 'Nosebleed! Nosebleed!' Everybody speaks English, I know they do!" saad ni Matthias sa ArtisTambayan.

Ngunit inihayag niyang nagpupursigi rin siyang mag-aral ng Tagalog.

"No, but I should own up and learn mag-Tagalog," sabi pa ni Matthias.

Sa panayam niya sa GMA News noon, ikinuwento ni Matthias na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera mismo ang naghimok din sa kaniya na matuto ng Tagalog.

Naka-tambalan ni Matthias si Marian sa GMA Prime series na Super Ma'am.

Si Thea Tolentino naman, inaming na-discriminate rin minsan ng mga "matapobre."

"Siyempre 'yung ano, 'yung mga, hindi naman sila lahat pero 'yung mga sosyal lumaki. 'Yung mga gano'n. Kung makatingin sila, head to toe parang, hindi mo naman party, puwede namang magpunta dito 'di ba?'

Si Starstruck Avenger Analyn Barro naman, napuna ng ilan dahil sa kaniyang pagiging Bisaya.

"Usually kasi 'pag Bisaya ka, medyo parang nilalait ka kasi nga ganito magsalita. Pero magaling kaming mag-English guys! Magaling 'yung pronounciation namin, okay naman."

Ngunit proud na Bisaya si Analyn. "Well kami namang mga Bisaya, pinapakita lang namin kung ano ang kaya naming gawin and hindi namin hinahayaan na makaapekto 'yon sa amin kasi same lang din naman tayo sa mata ng Diyos eh, tao lang tayo lahat."

Panoorin ang kanilang kuwentuhan.

 

— Jamil Santos / AT, GMA News