Binuksan na ni Kapuso star Miguel Tanfelix ang kaniyang milk tea business sa Dasmariñas, Cavite at tiyak mararamdaman ng mga customers ang OPM vibe dahil sa dami ng cassette tapes na makikita sa mga dingding at mga mesa.
Bukod dito, mayroon ding OPM lyrics na naka-display sa pader na magpapaalala sa mga kustomer ng mga sikat na awiting Pinoy.
"Ang gusto ko sanang vibe ng milk tea shop ay medyo chill, medyo pump. Gitna ng chill and pump nang konti. Perfect siya sa mga group studies, catching up with friends," sabi ni Miguel sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles.
Kakaiba rin ang flavors ng mga milk tea ni Miguel, mula sa ube, turon, tablea, pinya, at leche flan.
Hindi lang ito ang treat ni Miguel sa mga bumibili, dahil siya mismo ang personal na gagawa ng kanilang order kapag siya'y nasa shop.
— Jamil Santos/LA, GMA News
