Inihayag ni Bossing Vic Sotto na hindi raw sila nag-uusap ni Phenomenal Star Maine Mendoza nang personal pagdating sa kaniya-kaniyang mga buhay.
Sa media conference ng pelikulang "Jack Em Popoy The Puliscredibles," natanong ng showbiz press si Bossing Vic kung mayroon ba siyang mga pinapayo kay Maine pagdating sa buhay.
READ: Maine Mendoza, nagsalita na tungkol sa pag-uugnay sa kaniya kay Arjo Atayde
ALAMIN: Maine Mendoza, may isiniwalat tungkol sa 'relasyon' nila ni Coco Martin
"Wala kaming personal na pinag-uusapan kasi, alam mo naman ako 'pag personal, personal talaga, pero hindi kami nag-uusap nang personalan."
Bossing Vic Sotto will be Popoy Fernandez for Jack Em Popoy The Puliscredibles. @gmanews pic.twitter.com/yZet9uLCUt
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) December 6, 2018
"More on trabaho, at gusto ko naman 'yung nakikita ko sa kaniya, na minamahal na niya, mahal na niya ang kaniyang ginawa. And more importantly, siya'y nag-e-enjoy na. Siya ay happy sa kaniyang ginagawa," ayon kay bossing Vic.
Matatandaang nagsulat ng open letter sa fans noon si Maine kung saan inihayag niya ang kaniyang mga pinagdadaanan sa showbiz.
Naunawaan naman daw ni Bossing ang pinagdaanan ni Maine.
"Kasi importante 'yun eh sa ating trabaho. Kahit anong trabaho mo, kailangan nag-e-enjoy ka sa trabaho mo para mas maganda 'yung resulta ng trabaho mo," saad niya.
Magkasama sa "Jack Em Popoy" na isang Metro Manila Film Festival entry, pabiro pang sinabi ni Bossing Vic na magkakontrata na raw sila ni Maine na gumanap bilang mag-ama.
"Kasi si Maine, halos lahat ng roles na ginampanan naming dalawa eh magtatay. As a matter of fact nagpirmahan na kami ng kontrata eh.," natatawa niyang sabi. "Parati kaming magtatay. Kasi nakikita ko sa kaniyang parang anak ko na talaga eh. Sa ugali, pagdating sa pananaw sa buhay, pagdating sa trabaho, 'yung pagmamahal sa trabaho, pagmamahal sa kapwa,"
Patuloy ni Bossing, "At 'yung pagdating naman sa comedy, hindi mo matatawaran ang kaniyang talento pagdating sa comedy eh. Napakaganda ng timing ni Maine sa comedy."
Sa hiwalay na interview, inamin ni Maine na nakakaramdam pa rin siya ng intimidation kay Bossing.
"Opo kasi panglima na yata ito na mag-tatay kami. Pero siyempre hindi pa rin mawawala 'yung intimidation sa kaniya kasi si Bossing pa rin po 'yun," anang aktres.
Iba naman ang pagiging magtatay nila sa "Jack Em Popoy" kaysa sa tv series nilang "Daddy's Gurl."
"Sa roles pa lang. So parang dito pulis kami, sa Daddy's Gurl pa-sweet ako," ayon kay Maine.
"Iba 'yung tatay sa Daddy's Gurl eh, kasi makaluma si Barak eh. Eh dito, hindi siya (Bossing bilang si Popoy Fernandez) makaluma, at pareho silang pulis. Mas protective pa nga 'yung anak sa tatay eh, kasi 'yung tatay medyo matagal na sa kapulisan. Pero ito (Maine bilang si Em Fernandez) bago pa lang, marami siyang gustong patunayan. Magkaibang magkaiba 'yung dather-daughter role namin," paliwanag naman ni Bossing Vic.
Mapapanood sa mga sinehan sa Disyembre 25 ang "Jack Em Popoy (The Puliscredibles)."-- FRJ, GMA News
