
Pagkaraan ng limang taon, balik-Kapuso ang aktor na si Raymond Bagatsing para sa upcoming romantic-comedy series na "TODA One I Love," na pagbibidahan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.
Sa ulat ni James Patrick Anarcon sa PEP.ph nitong Miyerkules, sinabing kasama si Raymond sa ginanap na pictorial ng mga kasama sa cast ng serye na ginanap nitong Lunes, December 17.
Sa tweet na GMA News and Public Affairs, sinabing magiging bahagi ng pamilya ni Ruru sa serye si Raymond. Kasama rin sa serye sina Maureen Larrazabal at Kimpoy Feliciano.
Huling drama series na ginawa ni Raymond sa GMA ang primetime teleserye na Carmela noong 2014, na pinagbidahan nina Marian Rivera at Alden Richards.
Ang "TODA One I Love" ay balik-tambalan nina Ruru at Kylie matapos ang kanilang pagsasama sa Kapuso telefantasya na "Encantadia."-- For the full story, visit PEP.ph
