Sa paglabas ng trailer ng bagong Kapuso series na "Kara Mia," magkakaiba ang naging reaksyon ng netizens sa konsepto nito tungkol sa babae na isa ang katawan pero may dalawang mukha.

Ang naturang upcoming series ay pagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Nag-viral ang ilang "memes" na inihahambing ang dalawang mukha nina Kara at Mia sa ibang karakter tulad ni Lord Voldemort sa "Harry Potter."

May mga netizen din naman nagpahayag ng kasabikan na mapanood ang serye para malaman ang buong istorya nito.

Sa kaniyang Twitter post, inamin ni Mika na may pagka-"creepy" ang konsepto ng serye. Pero tiniyak niyang magugustuhan ng mga manonood ang nakaiintrigang kuwento ng mga karakter nila ni Barbie.

"Well sa totoo lang nakakaintriga naman kasi talaga and it also took us awhile to get used to the idea. we found it quite creepy also at first but when you go deeper into the story dun mo maaappreciate eh. it’s special, it’s unique at naniniwala akong makikita din nila yun hehe," saad ng aktres sa kaniyang Twitter post.

 

 

Saad pa ni Mika, nakatutuwa naman at naaliw siya sa mga meme.

 

 

Sa kabila ng ilang mga puna, may ilan din ang nagpahayag ng suporta sa bagong Kapuso show.

 

 


--FRJ, GMA News