Marami nang problema ang inilapit kay Kuya Wil ng mga kalahok sa "Wowowin." Kaya naman hindi napigilan ng host na matawa nang malaman ang hiling umano sa kaniya ng ama ng isang contestant--ang pagkain ng mga manok.
Ang isa pang kalahok sa segment na "Hep, Hep, Hooray!," hayop na baka naman ang nabanggit para din sa ama. Panoorin ang masayang tagpo sa "Wowowin" kung Team Manok o Team Baka ang mananalo.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
