Ilang GMA drama series na tinutukan noon ng mga Pinoy ang sinusubaybayan naman ngayon ng mga manonood sa Latin America.

Sa Ecuador,  "Dulce Vegnaza" ang titulo ng dating GMA afternoon series na "Ika-6 Na Utos," na pinagbidahan nina Gabby Concepcion, Ryza Cenon at Sunshine Dizon.

 


“Una Nueva Oportunidad naman ang titulo ng “Second Chances” ni Jennylyn Mercado, na napapanood ngayon sa Peru.

Ang  “Someone to Watch Over Me” nina Tom Rodriguez at Lovi Poe ay “No Me Olvides” ang pamagat sa Uruguay.

 


Taong 2017 nang ilunsad ang GMA telenovelas sa Peru sa pagpapalabas ng "Cautiva" o “Hanggang Makita Kang Muli,” na pinagbidahan nina Bea Binene at Derrick Monasterio, at sa direksyon ni Laurice Guillen.

Dahil sa tagumpay, ipinalalabas na rin sa iba pang bansa sa Latin America ang mga Spanish-dubbed GMA series. --FRJ, GMA News