Hindi ikinaila ni Kiray Celis na masugid siyang fan ng "Bubble Gang" kahit noong bata pa siya at kasama sa programang katapat nito sa kabilang network.

Kaya naman nang tanungin sa programang "Tonight With Arnold Clavio," kung anong Kapuso show ang nais niyang mapabilang, direktang sinabi ni Kiray na pangarap talaga niya na maging isang ka-"Bubble."

Panoorin ang naturang panayam at sagot ni Kiray nang kumustahin bilang katrabaho ang mga Kapuso artist.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News