Aminado si Martin del Rosario na hindi niya naiwasan na makaramdam ng pressure sa pagbida niya sa "Born Beautiful," na sequel sa "Die Beautiful" ni Paolo Ballesteros.
Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing napuno ng kakulitan at kasiyahan ang premiere screening ng "Born Beautiful" dahil nagkaroon muna ito ng song and dance portion ng mga drag queen impersonators.
Kasama sa mga dumalo sa premiere screening si Paolo na may special participation sa pelikula.
Si Paolo ang bumida sa "Die Beautiful" bilang si Trisha, na best friend "Barbs," na ginagampanan ngayon ni Martin.
"May kaunting pressure dahil yung expectations ng mga tao. Pero kaniya-kaniyang interpretation 'yan and iba naman ang interpretation ko as Barbs. So I just hope matuwa ang mga tao kung paano ko ginawa as Barbs," paliwanag ni Martin.
Naging big hit ang "Die Beautiful" at nakakuha pa ito ng mga award, kabilang ang Best Actor na nakuha ni Paolo sa 29th Tokyo International Film Festival noong 2016.
Nae-excite din sina Martin, at co-actor niyang si Kiko Matos sa posibilidad na mapalabas at isali din ang "Born Beautiful" sa international film festivals.
"Madami akong realizations about the importance of acceptance parang talagang..and yung love," sabi ni Martin.
"Don't judge. Don't judge people, don't judge their sexual orientation, don't judge how they live their lives because you can never can tell until you are wearing their shoes," ayon naman kay Kiko.-- FRJ, GMA News
