Sa kanilang ika-25 taong pagsasama, muling nagpakasal ang Kapuso comedy genius na si Michael V at maybahay niyang si Carol sa Amanpulo, Palawan.
"I just remarried the woman I have loved for 25 years. Happy Anniversary @ayoito!I love you!Always have.Always will," saad ni Bitoy sa kaniyang Instagram post bilang caption sa larawan ng kanilang kasal.
Inulan naman ng pagbati maging sa mga kapwa niya celebrity sina Bitoy at Carol.
Isa si Bitoy sa mga artistang hinahangan pagdating sa buhay-pamilya dahil hindi siya naugnay sa ibang babae.
Sa isang video blog noon ni Bitoy, ibinahagi niya ang ilang trivia sa pagsasama nila ni Carol. Kabilang dito ang tatlong ulit nilang pagpapakasal--kabilang ang civil wedding noong April 1994, church wedding noong February 1998, at renewal of vows noong February 2008 para sa ika-10 taon ng kanilang pagsasama.
Mayroong apat na anak sina Bitoy at Carol na sina Milo, Yanni, Migo, at Maypaul. -- FRJ, GMA News
