Kahit nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang ina, nag-report pa rin sa Joey De Leon sa "Eat Bulaga" nitong Lunes at nagbiro siya na magkikita na sa kabilang-buhay ang kaniyang mga magulang.

Gabi nitong Linggo nang pumanaw ang 93-anyos na ina ni Joey na si Emma Manahan Ramos-De Leon. Si Mommy Emma ay kapatid ng namayapa na ring si Mommy Elvie, na ina naman ni komedyanteng si Ariel Villasanta.

Sa ulat ni Jojo Gabinete, sa PEP.ph, sinabing bagaman mababakas ang lungkot, nagawa pa ring magbiro ni Joey na nagsabing magkikita na sa kabilang-buhay ang kaniyang mga magulang.

"Kasama niya uli ang tatay ko, baka mag-away uli 'yon," sabi ni Joey nang makiramaw sa kanilang ang mga dabarkads sa pangunguna ni Vic Sotto.

Napag-alaman na ipagdiriwang sana ni Mommy Emma sa susunod na buwan ang ika-94 na kaarawan nito.

"Birthday nga niya sa March 31, ayaw na niyang mag-94. Mahihirapan na siyang mag-blow ng cake. Wala nang hininga," sabi pa ni Joey.

Una rito, nag-post  din si Joey sa kaniyang Instagram account ng larawan ng mahjong set na patungkol din sa pagpanaw ng kaniyang ina.

"Wala nang maka-quorum sa mahjongg ang ermats ko kaya nag-last jai-alai na kagabi! Love you Ma! Together again sila ni Papa Pepe! Play este, PRAY for us!," saad niya sa caption.

 

 

For more showbiz news, visit PEP.ph