Dahil naghahanda na ang mag-asawang  Ice Seguerra at Liza Dino na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF), tinanong ng PEP.ph  si Liza kung posibleng si Ice ang magbuntis kapag naging high-risk ang kaniyang pagbubuntis.

Sa pamamagitan ng IVF, kukuha ng egg cell mula kay Ice at sperm cell mula sa "donor", at ang fertilized egg naman ay ilalagay sa sinapupunan ni Liza," ayon sa ulat ni Mell Navarro sa PEP.ph.

Natatawang pagbabahagi umano ni Liza, "One time, nag-usap kami. Sabi ko sa kaniya, 'Love, what if, halimbawa, high risk yung pregnancy ko?' Sabi niya, parang… of course, hindi natin ma-imagine, di ba?"

"Pero ang sabi niya, 'The only time that I will do it is if your pregnancy is high risk. I will not allow that you will go through that [kung high risk].' But, of course, it’s important na magka-baby," patuloy niya.

May pag-aalinlangan umano si Ice sa idea pero bukas daw ang isipan nito kung nakasalalay ang kaligtasan ng kaniyang asawa.

“We will cross the bridge when we get there! Hahaha! Grabe! Yung mukha mo, parang, ‘Haaay, si Ice!’ Hahaha! Hindi siya okay sa idea, pero willing siya to take the risk if it endangers my health. That’s our last resort!,” kuwento pa ni Liza, na Liza ng chairperson ng Film and Development Council of the Philippines (FDCP).

Ginawa umano ang panayam kay Liza sa Film Ambassador's Night kamakailan sa Samsung Hall of SM Aura sa Taguig City.-- For the full story, visit PEP.ph