Nagpapagaling na ang aktres na si Antoinette Taus matapos operahan bunga ng tinamong mga sugat dahil sa pag-atake sa kaniya ng asong Chow-chow nang dumadalo sa isang kasalan sa Baguio City.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ng aktres ang ilang impormasyon tungkol sa nangyari at mga sugat na kaniyang tinamo.

"I am currently confined and recovering from dog bites to my left forearm, left thigh, and right breast. I was attacked by a chow chow on Saturday evening while at a family wedding in Baguio. My left forearm suffered the worst and took two hours of surgery and suturing," bahagi ng post ni Antoinette.

Inihayag din niya kung gaano katindi ang kaniyang sinapit, "...there was some fat hanging out of the wound and I could even see the tendon in my wrist. Luckily there’s no permanent damage and no arteries or nerves were harmed."

Nilinaw naman niya na nais lang niyang bigyan ng impormasyon ang mga taong nag-aalala sa kaniyang kalagayan. Humingi rin siya ng paumanhin na hindi niya mapupuntahan ang kaniyang mga nakatakdang trabaho.

Nagbigay na rin siya ng paalala sa mga nais mag-alaga ng aso, at hinikayat niya ang mga ito na umampon na lang ng mga inabandonang aso sa halip na bumili sa pet shop.

Bagaman itinuturing niya ang sarili na isang "animal lover," aminado ang aktres na nakaranas siya ng trauma lalo na sa asong chow chow. -- FRJ, GMA News