Si Dingdong Dantes ang napiling maging bida sa isang Korean action-suspense movie ang bibigyan ng Pinoy flavor.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa "24 Oras" nitong Lunes, sinabing sisimulan ni Dingdong ang pag-shoot ng pelikula pagkapanganak ng misis niyang si Marian Rivera.
"Nag-photo shoot na kami ng poster nu'ng isang araw. Korean adaptation siya nu'ng... ang title ay'A Hard Day.' Action-suspense-comedy tapos may pagka-dark comedy rin kaya medyo exciting," kuwento ng aktor.
Hinihintay lang daw ni Dingdong na manganak si Marian rivera bago siya mag-shooting sa naturang pelikula.
Gayunman, pero hindi raw muna siya tumatanggap ng maraming trabaho ngayong nalalapit na ang panganganak ni Marian.
"Kailangan bawas-konti ng trabaho tapos, hanggang maaari 'yung oras talaga nandu'n sa bahay para 'pag any moment, 'di ba, mangyari, andu'n lang [ako]," saad niya. -- FRJ, GMA News
