Kahit busy sa showbiz, ipinagpatuloy pa rin nina Yasmien Kurdi at Renz Valerio ang kanilang pag-aaral at ngayon ay ga-graduate na sa kolehiyo. Si Renz, magna cum laude pa.
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ng "Hiram Na Anak" star na si Yasmien ang kaniyang official graduation photo.
Kitang-kita ang ganda ng aktres sa kaniyang skin-tone Filipiniana.
Magtatapos si Yasmien sa darating na Abril sa kursong Political Science sa Arellano University.
Samantala, magna cum laude naman ang "Inagaw Na Bituin" star na si Renz, na magtatapos sa kursong Marketing Management sa Our Lady of Fatima University sa Antipolo City.
Sa kaniyang Instagram naman, ipinost ni Renz ang kaniyang graduation photo at ang marka na kaniyang nakuha. -- FRJ, GMA News

