Tila nawala ang ubo ni Barbie Forteza nang sayawan siya ng nobyong si Jak Roberto ng mga macho dance moves na itinuro ni Dante Gulapa.

Sa kaniyang Instagram, inilahad ni Barbie na mayroon siyang sakit, kaya nagpasalamat siya kay Jak sa pagdalaw sa kaniya.

 

 

"Salamat sa pagdalaw sa batang may sakit. Muntik gumaling ang ubo ko sa sayaw mo," saad ni Barbie.

"Great job" daw ang pagsasayaw ni Jak, kaya aabangan ni Barbie ang nobyo sa "Magpakailanman."

Itatampok ang buhay ni Dante Gulapa sa Magpakailanman nitong Sabado, kung saan si Jak ang gaganap bilang teenager na Dante.

Bilang paghahanda, tinuruan na si Jak ni Big Papa ng ilang macho dancing moves nito. — Jamil Santos/RSJ, GMA News