Apat na taon matapos silang ikasal, naghahanda  na ngayon sina Ice Seguerra at Liza Diño sa panibagong yugto ng kanilang pagsasama na magkaroon ng panibagong anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Sa programang "Tunay Na Buhay", ibinahagi ng mag-asawa kung papaano nabuo ang kanilang plano kung saan ang egg cell ay magmumula kay Ice, ipe-fertilize kasama ang sperm cell mula sa isang donor, at saka ilalagay kay Liza para siya ang magbuntis.

Sa darating na Disyembre nila planong isagawa ang proseso at ibinahagi ni Liza kung bakit din siya pumayag na dalhin sa kaniyang sinapupunan ang magiging anak nila ni Ice. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News