Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni Edgar Allan Guzman na may gusto pa rin siya sa aktres na si Shaira Diaz.

Ito ay matapos ang ilang taong pagiging mailap ng aktor pagdating sa estado ng kanyang love life.

Pitong taon ang agwat ng edad nina Shaira, 23, at Edgar, 30.

Sa kaniyang Instagram post noong March 20, ibinahagi ni Edgar ang dalawang close-up pictures ni Shaira.

Inilagay niya sa caption ang isang lovestruck emoji at mga katagang “I have a crush on you.”

Sa comments’ section, maiksi pero halatang kilig ang reaksiyon ni Shaira.
Tila gulat niyang komento, “Omo!!!”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I have a crush on you ????

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on

 

Ang “omo” ay salitang Korean na ang English translation ay “oh my gosh.”

Kalakip nito ang monkey-with-hands-on-the-mouth at blushing emojis.

Balik-sagot naman ni Edgar ay simpleng "hi" at blushing emoji. 

Marami sa mga malalapit na kaibigan nina EA at Shaira sa showbiz ang ikinatuwa ang pagiging bukas ng aktor sa kanyang nararamdaman para sa dalaga.

Naging magkarelasyon sina Edgar at Shaira noong 2013—mga panahong pareho pa silang nasa bakuran ng TV5 network.  --For the full story, visit PEP.ph