Bumiyahe pa-Hong Kong ang Kapuso leading man na si Alden Richards para sa shooting ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

Nauna nang inihayag ng aktor na gagampanan nila ang karakter ng mga OFW sa naturang pelikula na idederek ni Cathy Garcia-Molina.

Bahagi ng paghahanda ni Alden sa pelikula na mag-aral ng Cantonese.

Umaasa ang aktor na susuportahan ng kani-kanilang fans ang unang pagtatambal nila ni Kathlyn.

Sa kaniyang Instagram account, ipinost ni Alden ang larawan tungkol sa titulo ng kanilang pelikula.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#HelloLoveGoodbye | 2019...in cinemas ????

Isang post na ibinahagi ni Alden Richards (@aldenrichards02) noong



--FRJ, GMA News