Ikinasal na ang dating aktor na si Joshua Dionisio sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Allyza Yu.

Sa Instagram Stories, nagbahagi si Allyza ng mga larawan at video na kuha ng kanilang mga guest sa naturang okasyon.

Nakasuot si Allyza ng elegante at minimalist white gown, na may manipis na spaghetti strap. Ang bridal bouquet ay bugkos ng long-stemmed white calla lilies.

Samantala, suot ni Joshua ang tradisyunal na Filipino Barong Tagalog na kulay light beige na may kaunting embroidery details.

Isang dating Kapuso teen star si Joshua at nakilala rin ang tambalan nila ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Magkasama silang nagbida sa mga proyekto gaya ng "Stairway to Heaven," "Tween Hearts," "Pilyang Kerubin," at marami pang iba. – Carby Basina/Jamil Santos/FRJ GMA News