Nauuso ngayon ang "ear candling" na paraan sa paglilinis ng tainga. Pero sa talakayan ng programang "Mars" tungkol sa pangangalaga sa tainga, hindi inirerekomenda ng doktor ang naturang paraan para alisin ang ear wax o tutuli. Alamin kung bakit.
Ayon kay Dr. Rey Salinel, isang medical expert, hindi niya inirerekomenda ang ear candling na paraan sa paglinis ng tainga dahil may peligro na matusok o matuluan ng kandila ang tainga lalo na kung hindi sanay ang gagawa ng procedure.
Bukod dito, sinabi ni Salinel na hindi rin naman dapat laging nililinis ang tainga para alisin ang tutuli. Kung tutuusin umano, mahalaga ang tutuli sa tainga dahil may tulong itong nagagawa.
Panoorin ang buong talakayan tungkol sa pangangalaga sa tainga at kung ano ang dapat gawin kapag may pumasok sa insekto sa tainga sa video na ito ng "Mars:"
-- FRJ, GMA News
